Duterte Tatapusin Ang Abu Sayyaf

Tatapusin ng bagong halal na Pangulong Rodrigo Duterte ang problemang dala ng Abu Sayyaf.

Iyan ang pahayag ng kanyang tagapagsalitang si Atty. Salvador Panelo matapos na pugutan ng ulo ng mga bandido ang ikalawang Canadian hostage dahil hindi naibigay ng pamilya ng biktima ang ransom na hinihingi sa takdang panahon.

“Sigurado akong malulutas ni President-elect Duterte ang ganitong uri ng problema. Nalutas niya ang ibang ganoon din katinding problema. Wala akong nakikitang balakid na gagawin niya iyon,” ani Panelo.

yon sa GMA News Online, inamin ng tagapagsalita ni Duterte na wala pa namang binanggit sa kanya ang uupong presidente tungkol sa kung sa paanong paraan tutugisin ang mga Abu Sayyaf.

“Wala pa naman siyang sinabi sa akin, nag-usap kami kagabi. Hindi napag-usapan,” wika ng tapagsalita.

Dagdag pa ni Panelo, pag-uusapan nila ni Duterte ang plano laban sa mga terorista kapag opisyal na itong nanunungkulan bilang pangulo ng bansa.

“Basta ang alam ko hindi kukunsintihin ni Pesident-elect Duterte ang mga iligalidad sa bansa. Gagawin niya ang lahat ng kanyang magagawa upang matapos ang lahat ng mga ito. Iyan ang kanyang pangako… ang tapusin ang kriminalidad,” pagtatapos ni Panelo.

(c) definitely filipino

Comments

comments

Check Also

Maguindanao Governor submits list of politicians involved in illegal drugs trade to Duterte

Maguindanao — Re-elected provincial Governor Esmael Mangudadatu nag sumiti ng listahan ng mga politikong sangkot …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Close
Please support the site
By clicking any of these buttons you help our site to get better