Dahil sa sumabit na “Dakota Nota” French Pole Vaulter, inalok ng adult website

Naging usap-usapan ang video ng pambato ng France na si Anthony Ammirati matapos mabigong manalo sa pole vault event dahil sa isang bahagi ng katawan niyang sumabit sa bar.

Kitang-kita sa video ang pagsabit ng kanyang pagkalalaki sa bar na naging dahilan ng pagkabigo niyang makasungkit ng medalya sa nasabing kompetisyon sa 2024 Paris Olympics.

Pero bago pa man sumabit ang kanyang “dakota nota,” nauna nang sumabit sa crossbar ang kanyang mga tuhod.

Naging “katatawanan” naman ito sa social media dahil tila sa pagkakataong ito, hindi nakatulong sa atleta ang pagkakaroon ng malaking pag-aari. Ito pa raw ang dahilan kung bakit siya natalo sa nasabing kompetisyon. Sa panayam sa kanya matapos ang paglagapak sa 12th place, ipinahayag ng atleta ang kanyang “big disappointment” sa nangyari.

Sa latest report naman ng international media outlet na “TMZ,” naibalita na rin sa iba’t ibang media outlet sa ibang bansa na matapos pagpiyestahan ang notabels ng atleta, inalok daw ito ng isang adult website para ipakita ang kanyang maipagmamalaki.

May offer daw na $250,000 para sa kanya na kung iko-convert sa piso ay papalo sa ₱14,464,000.

“As a lover of crotch-centric activities, I’d love to offer you up to $250,000 in exchange for a 60-minute webcam show in which you show off your goods, minus the crossbar, of course,” saad daw ni CamSoda vice president Daryn Parker sa ipinadalang offer letter kay Ammirati.

Hindi naman nabanggit sa mga ulat kung tinanggap ba ni Ammirati ang alok sa kanya ng porn site.

Comments

comments

Check Also

Manila proposes declaration of August 4 as ‘Carlos Yulo Day’

Manila Mayor Honey Lacuna has announced a proposal to declare August 4 as “Carlos Yulo …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Close
Please support the site
By clicking any of these buttons you help our site to get better