MR. ANTONIO F. TRILLANES, IV
Senator – Senate of the Philippines
Manila
Dear Mr. Trillanes,
Sana po umabot sa inyo itong liham kong ito para naman malaman nyo ang niloloob ng isang mamamayang Pilipino tungkol sa ginawa ninyong may ukol sa sinasabi ninyong tinatagong kayamanan ni Mayor Rodrigo Duterte.
Bilang isang Bisaya, hindi po ako sanay sa Tagalog pero Tatagalugin ko po, sa hangganan ng aking makakaya, ang liham na ito para maintindihan ng nakararami.
Sa umpisa pa lang gusto kong ilahad na ang liham na ito ay personal kong opinyon at walang kinalaman sa kung ano mang katungkulan na hinahawakan ko sa anumang organisasyong kabilang ako.
Ako po ay taga Davao City at sumusuporta po ako sa kandidatura ng aming Mayor na si Rodrigo Duterte.
Ako po ay isang abogado at bilang abogado, naiintindihan ko na ang bawat mamamayan ay may kalayaan na maglahad ng kanyang niloloob or nais sabihin sa ilalim ng ating Konstitusyon liban lamang kung ang sasabihin ay makakasama sa dangal o pangalan ng isang tao ng walang matatag na basehan.
Ito po ay totoo lalo na kapag isang may katungkulan sa pamahalaan ang nakakatanggap ng pintas mula sa isang mamamayan. Ayon nga sa ating Korte Suprema, hindi maaring balat sibuyas ang mga may katungkulan dahil kaakibat ng kung ano mang kapangyarihan na hawak nila ang pagtanggap ng pintas tungkol sa pamamaraan ng kanilang pagganap sa kanilang tungkulin.
Dahil po rito ay di ako gaanong nagbibigay ng pahayag tungkol sa mga tapunan ng batikos ng mga politiko lalo na at eleksyon nga ngayon. Paminsan-minsan dinaraan ko sa pangutyang kalokohan ang niloloob ko pero hindi ko masyadong sineseryoso.
Subalit, nung nabasa ko po kaninang umaga ang pinirmahan ninyong Affidavit or Sinumpaang Salaysay, ako po ay tunay na NADISMAYA at medyo NAGALIT. Hindi po ako nagalit dahil si Mayor Duterte ang pinaparatangan ninyo. Di lang po siya magaling na mayor, siya rin po ay magaling na abogado at marami rin siyang mga kasamang magagaling na abogado na kayang-kaya saguting ang mga paratang ninyo. Sinabi ko na nga, bilang isang may katungkulan, kaakibat ito ng kanyang buhay lalo na at tumatakbo sya bilang Presidente ng Pilipinas.
Ako po ay NADISMAYA AT NAGALIT dahil po sa aking pagbasa ng inyong pinagmamalaking Affidavit, ay nalaman ko na WALANG KALAMAN LAMAN NA BASEHAN ang inyong mga sinasabi.
UNA, sabi po ninyo sa inyong affidavit na ang mga dokumentong ipinapakita ninyo ay nanggaling as isang NAGPAKILALA NG SARILI NYA SA INYO BILANG JOSEPH DE MESA. “NAGPAKILALA”. Ibig po sabihin nito na HINDI NINYO SYA KILALA at wala kayong alam sa pagkatao niya. Sa pagkakaintindi ko nung Abril 21, 2016 lang ninyo sya UNANG nakausap. Mukha namang napakabilis ninyo pinaniwalaan ang isang tao na noon nyo lang nakita lalo na at napakabigat ng kanyang mga paratang. Kung totoong tao talaga ito si JOSEPH DE MESA, hindi kaya mainam na kinunan nyo muna siya ng Sinumpaang Salaysay at kinilala nyo muna an kanyang pagkatao, at siniyasat ng mabuti ang kanyang mga sinasabi, bago nyo isinambulat ang sinasabi nyong mga paratang nya laban kay Mayor Duterte?
PANGALAWA, sinabi nyo rin sa inyong Affidavit na AYON KAY JOSEPH DE MESA, ang mga dokumentong ibinigay niya sa inyo ay HINDI GALING SA KANYA, kung hindi nagmula pa sa isang HINDI PINAPANGALANAN at sinasabing malapit na kamag-anak niya na, ayon sa kanya, ay kawani ng isang ahensya, ahensya ng pamahalaan sa pagkakaintindi ko, na nag-iimbistiga ng mga tinatagong kayamanan mula sa pandarambong ng mga may katungkulan sa pamahalaan. Paratang ba ito sa Office of the Ombudsman o sa Anti-Money Laundering Council (AMLAC), na sa kanila nagmula ang mga dokumento umano tungkol sa mga bank account ng mga Duterte?
Samakatuwid, PINANIWALAAN NINYO AT ISINAMBULAT SA PUBLIKO ang mga paratang ni JOSEPH DE MESA na HINDI NAGMULA SA SARILI NYANG KAALAMAN kung hindi GALING LAMANG RIN sa IPINASA UMANONG IMPORMASYON SA KANYA na NAGMULA sa isang HINDI PINAPANGALANANG KAMAG-ANAK na nagtatrabaho sa isang HINDI PINAPANGALANANG AHENSYA? Hindi naman kayo nagduda man lang kung totoo ba ang mga paratang at dokumentong ipinsasa sa inyo nitong si JOSEPH DE MESA na inaamin naman ninyong IPINASA LANG RIN sa kanya?
Sa salitang kalye po ay CHISMIS ang ibinigay sa inyo nitong si JOSEPH DE MESA. Madali po kayong maniwala sa CHISMIS? Hindi lang po yan, ang CHISMIS po ni JOSEPH DE MESA ay nanggaling rin sa CHISMIS na nagmula sa DI PINAPANGALANANG kamag-anak niya na mula sa DI PINAPANGALANANG ahenysa UMANO.
Hindi ko po alam sa inyo pero sa amin po ang tawag sa taong madaling maniwala at nagkakalat ng CHISMIS ay CHISMOSO.
PANGATLO, sinabi rin po ninyo sa inyong Affidavit na inyong SINURI NG MABUTI, “VETTED” po ang INGLES na ginamit ninyo, ang mga dokumentong ibinigay umano sa inyo nitong si JOSEPH DE MESA. Sa aking kokonting nalalaman sa Ingles ay ang ibig po sabihin ng salitang “VETTED”, lalo na sa mga tulad ninyong nagmula sa militar, ay MASUSING PAGSUSURI. Ibig po sabihin nito ay sinasabi ninyo na tiningnan nyo umano sa masusing paraan at imbestigasyon kung TOTOO BA ang mga dokumentong ibinigay sa inyo at kung totoo ba ang mga nakalahad rito. PAPAANO po ninyo ginawa ang MASUSING PAGSUSURI e sa sinasabi ninyo nung ABRIL 21, 2016 lang kayo nagkita at sa pagkakaalam ko iilang araw lang mula noon ay ISINAMBULAT NA NINYO SA PUBLIKO ang mga paratang ninyo kay Mayor Duterte?
ISA PA PO, sa pagkakaalam ko rin ay ITINANGGI NA ng BANK OF THE PHILIPPINE ISLANDS at ng AMLAC na sa kanila nagmula ang mga dokumentong hawak ninyo. PAPAANO PO kayo gumawa ng MASUSING PAGSUSURI kung wala naman kayong maikukumpara sa mga dokumentong ipinasa sa inyo ni JOSEPH DE MESA na, UULITIN KO, nagmula sa HINDI PINAPANGALANANG kamag-anak na kawani sa isang HINDI PINAPANGALANANG ahensya?
Ang sinabi nyo po sa inyong Affidavit ay SINURI NINYO at ng mga ACCOUNTANT NINYO ang mga dokumento sa pamamagitan ng pagkumpara sa nakalahad rito sa mga SALN ng mga Duterte. Ang ibig sabihin nito ay PINANIWALAAAN NA NINYO ang mga dokumentong ibinigay sa inyo ng hindi ninyo kakilalang si JOSEPH DE MESA na, UULITIN KO PONG MULI, nagmula sa HINDI PINAPANGALANANG kamag-anak na kawani sa isang HINDI PINAPANGALANANG ahensya?
Hindi ko po matanggap na may mga ACCOUNTANT na pinayagan ang ganitong pamamaraan. Nakalimutan ko pong sabihin na hindi lang po ako abogado isa rin po akong Certified Public Accountant. Kaya alam ko po na NAPAKAIMPORTANTE sa isang accountant na sa kanyang mga pagsusuri ay sigurado sya sa katotohonan ng mga dokumento at impormasyon na sinusuri nya.
KAYA PO AKO NADISMAYA AT NAGALIT nung mabasa ko ang Affidavit ninyo. Lumalabas po ang katotohanang NILOLOKO NINYO ANG SAMBAYANANG PILIPINO!
Baka naman sabihin ninyo na dahil eleksyon ngayon ay normal ang NAGLOLOKOHAN. Totoo po ito, kaya nga po sinabi ko na di ako gaanong nagbibigay ng opinyon ukol sa batikosan sa pulitika normal nga ito.
Ang HINDI PO NORMAL at HINDI KO PO MATANGGAP ay ang pangyayari na isang NATURINGANG SENADOR NG REPUBLIKA NG PILIPINAS ay nagawang LOKOHIN ANG SAMBAYANAN.
SENADOR PO KAYO, napakataas po ng katungkulan ninyo sa pamahalaan at dahil nga po mataas ang katungkulan ninyo ay binibigyan po ng bigat ng mga mamamayan ang mga sinasabi ninyo. Bakit naman ninyo nagawang MAGSAMBULAT NG MGA PARATANG na wala naman talaga kayong TOTOONG BASEHAN?.
Di lang po kayo SENADOR, nanggaling po kayo sa Philippine Military Academy. Nasaan na po ang Courage na maging makatotoo, ang Integrity sa inyong katungkulan, ang Loyalty sa mamamayang Pilipino? NASAAN NA PO?
Huwag na po natin pag-usapan ang pagiging illegal ng pinangalingan ng mga dokumento na ginagamit ninyo, dun na lang po tayo sa inyong katungkulan bilang Senador at graduate ng PMA.
SANA PO AY BINIGYAN NYO NG KAHIHIYAN ANG katungkulan ninyo bilang Senador at pagiging alumnus ng PMA.
Sa pagtatapos po ng liham ko na ito gusto ko pong sabihin sa inyo na hindi pa po huli ang lahat puwede pa po kayo HUMINGI NG TAWAD. Hindi po patawad ni Mayor Duterte kung hinde patawad ng SAMBAYANANG PILIPINO.
Dito na lang po,
CAESAR S. EUROPA
Pilipino, Davaoeno, Abogado
IN THAT ORDER PO