Noong nakaraang taong 2014, ina nunsyo ni Pnoy na hindi wawakasan at ipagpapatuloy niya ang programa ng nakaraang administrasyon ang 4pS.
In the news:
WALANG plano ang Malakanyang na i-abolish ang conditional cash transfer (CCT) o Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) na sinimulan at ipinamana ni dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo sa kasalukuyang administrasyon dahil patuloy pa itong pinakikinabangan ng 4.1-milyong mga Pinoy.
Sa katunayan, ayon kay Press Secretary Herminio “Sonny” Coloma, Jr., mas pinalawak pa ang sakop nito na nakapaloob sa 2015 national budget.
Target ng gobyernong Aquino na iakyat sa 5-milyon ang benepisaryo ng CCT.
“Nananalig kami na sa pagtutuos ng mga datos at aktuwal na naging resulta ng conditional cash transfer ay patuloy na bibigyan ito ng suporta ng ating Kongreso sa pagpasa ng pambansang budget para sa taong ito,” ayon kay Sec. Coloma bilang tugon na rin sa hirit ng House Minority ng Kongreso na alisin na ang CCT.
Ang tema aniya ng pambansang budget sa 2015 ay “kaunlaran para sa lahat” na naglalayon na isulong ang pag-angat at pag-asenso ng milyon-milyong Pilipino na nasa laylayan ng lipunan.
Matatamo aniya ito sa pamamagitan ng wastong paggugol ng pondo ng bayan.
Kung tutunghayan aniya ang panukalang budget sa susunod na taon ay mapapansin na inilaan ng pamahalaan ang pinakamalaking halaga sa aspeto ng social protection, dumoble ang budget para sa serbisyong panlipunan o social services mula 2010 hanggang 2014, mula sa halagang P416-bilyon tungo sa halagang P842-bilyon.
Tumaas din aniya ang bahagi nito sa kabuuang budget mula 28% noong 2010 tungo sa 34% ngayong taon. Bumaba ng 3% ang dami ng mahihirap mula 27.9% noong 2012 tungo sa 24.9% noong nakaraang taon kung saan aniya ay katumbas nito ang dalawa’t kalahating milyong Pilipino na nakaalpas na antas ng kahirapan.
Sa mahabang panahon aniya ng paggugol para rito ay ang naging pagtukoy sa problema ng kahirapan ay ‘yung tinatawag na ‘trickle down effect’.
“Palalaguin ang ekonomiya at aasa na lamang na ‘yung pinakamahirap maiaangat mula sa kahirapan. Ano ang naging resulta? Malawakang kahirapan pa rin,” anito.
At kung pagbabatayan aniya ang Millennium Development Goals ay ang batayan para rito ay noong taong 1991 kung saan ang dami ng mahihirap sa Pilipinas na umabot pa ng 32%.
“Kaya ang ating Millennium Development Goal for the year 2015, sa susunod na taon, ay kalahatiin ito—16.1%. Pansinin natin itinakda ‘yang layunin na ‘yan noon pang 1991 o 23 taon na ang nakalipas. Mula noon hanggang 2012, naibaba lamang mula 32 hanggang 27.9%, ano. Ibig-sabihin, sa loob ng 21 taon, ang ibinaba ng kahirapan ay 5%. Pero doon sa isang taon, mula 2012 hanggang 2013, ang naitalang pagbaba ay 3% na kaagad. Kayo na ang magpasya kung aling programa ang naging mas epektibo,” aniya pa rin. Kris Jose
Mar Roxas, Ginamit ang 4P’s Pantakot sa Beneficiaries Para Makakuha ng Boto
https://web.facebook.com/rematetabloid/posts/792943747392375?_rdr