Walk of Change, Pinangunahan ng mga Adik sa Batangas

0
144

Ikinasa sa Tanauan City, Batangas nitong Lunes ang pinakaunang “Walk of Change” na nilahukan ng mahigit dalawang daang mga dating konektado sa droga sa lungsod.

Ipinagmalaki ng 204 na lumahok sa parada ang kanilang pagtatapos mula sa programang Simula ng Pag-Asa (SIPAG) ng Dangerous Drugs Board (DDB).

Sa ilalim ng programa, dumaan sa 12 spiritual sessions ang mga dating sangkot sa droga.

Bibigyan din ng pagkakataon ang mga nagnanais na sumalang sa mga pagsasanay sa ilalim ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA).

Kabilang sa mga kursong inaalok ang pipe fitting, events management, at food and beverage making.

Ayon kay Tanauan City Mayor Antonio Halili, nais nilang magsilbing inspirasyon para sa pagbabago ang “walk of change.”

source: abs-cbn

Comments

comments

LEAVE A REPLY