Varicose veins, alamin kung paano malulunasan

Varicose veins, alamin kung paano malulunasan

0
546

may pagkakataon na hindi maganda ang daloy ng dugo sa katawan kaya naiipon ang ang dugo sa ugat kaya namamaga ito at nagiging varicose veins.

Paliwanag ng dermatologist na si Dra. Jean Marquez, maliban sa family history, may mga dahilan kaya nagti-trigger ang pamamaga ng mga ugat sa binti.

Nangyayari ito habang nagkakaedad ang isang tao at dahil sa uri ng kaniyang trabaho tulad ng palaging nakatayo o hindi madalas kumilos.

Maliban sa hindi magandang tingnan, madalas daw na nakararamdam ng pangangalay ang may varicose veins. At kung mapapabayaan, maaari umano itong magdulot ng mas matinding komplikasyon gaya blood clot at tinatawag na venous thrombosis.

Samantala, ang bumarang dugo o blood clot ay maaari naman daw mapunta sa baga at magiging dahilan ng pulmonary embolism na puwedeng ikamatay ng tao.

Panoorin ang pagtalakay ng “Pinoy MD” sa naturang usapin para malaman ang mga pamamaraan na maaaring gawin upang maiiwasan o malunasan ang varicose veins:

source: GMA

Comments

comments

LEAVE A REPLY