Senator Trillanes Magsasampa ng Kaso Kina Erwin Tulfo at Mocha Uson Hinggil sa Fake News

0
153
photo from abs-cbn

Inihahanda na ni Sen. Antonio Trillanes IV ang pagsasampa ng kaso laban sa dalawang personalidad na naglabas ng kaniyang sinasabing off-shore accounts.

Sinabi nitong libel ang isasampa niyang kaso laban kina Presidential Communications Operations Office Assistant Secretary Mocha Uson at TV/Radio Broadcaster Erwin Tulfo dahil sa paglalabas nila ng mga pekeng bank accounts na nagpapakita ng kaniyang mga pinaniniwalaang lihim na yaman sa ibang bansa.

Ayon kay Trillanes, kinakailangang maturuan ng leksiyon sina Uson at Tulfo pati na ang may-ari ng website kung saan lumabas ang mga bogus na bank accounts niya.

Una rito ay patutunayan muna nito sa publiko na ang mga alegasyong ibinabato sa kaniya ay hindi totoo sa pamamagitan ng pagpirma niya ng isang waiver na ibibigay sa Anti-Money Laundering Council at personal nitong sasamahan ang Ombudsman fact-finding team para patunayang wala siyang mga off-shore accounts.

 

Comments

comments

LEAVE A REPLY