RICKY DAVAO REACTION WHEN PRESIDENT DUTERTE EXPOSED THE 5 GENERALS LINKED TO DRUGS

0
395

Nagpahayag ng opinion si Ricky Davao hinggil sa isyu ng mga senior police officials na ma kaugnayan sa drug trade na pinangalanan ni Pres. Duterte.

Ang limang senior police generals na pinangalanan ni President Duterte ay sina retired Deputy Director General Marcelo Garbo Jr.; former National Capital Region Police Office director Chief Superintendent Joel Pagdilao; former Quezon City Police District Office director Chief Superintendent Edgardo Tinio; former Western Visayas police chief Chief Superintendent Bernardo Diaz; at retired police general at ngayo’y Daanbantayan, Cebu mayor Vic Loot.

Pahayag ni Ricky, “Alam naman natin na meron talaga. Ngayon, kung totoo yun o hindi, ang bintang sa bawat isa sa kanila, hindi natin alam.”

“Kasi, kumbaga, where there’s smoke, there’s fire. Kung hindi talaga sila, then prove it. May korte naman, may imbestigasyon.”

“Pero kasi marami ang lumulusot, e. So, sana yung mga ginagawa ni President Duterte, e, mag-open up talaga ng mga bagay-bagay para dumiretso naman ang takbo ng mga buhay natin.”

Sang-ayon din daw si Ricky sa mga aksyong ginagawa ni President Duterte mula nang manungkulan ito.

Saad niya “For me, okey naman ang mga ginagawa ni President Duterte.”

“Bakit ka naman matatakot kung wala kang ginagawang masama?”

“For me, curfew is fine, lalo na I have kids. Okey sa akin yun.”

“Parang ang dating nga sa akin, ibinabalik lang niya yung mga simple discipline.”

“Yung sinasabi nila na small-town thinking, hindi totoo yun. Ibinabalik lang niya ang mga simple discipline.”

Patuloy ni Ricky, “Totoo naman, yung mga nagka-karaoke sa kanto, hindi ka makatulog.”

“Tapos, ibinabalik niya yung pride natin as Pinoy na, ‘Uy, huwag kang magkalat, masisira yung bayan natin.’

“I don’t know what happened, nagkaroon na ng mga corruption. Siyempre, power ‘yan, nakakalasing.”

“Pero sana, ang mga tao ngayon na namumuno at mga nakapaligid, sana huwag malasing. Sana malasing sila sa ganda ng mangyayari.”

Source: PEP.Ph / newsinfolearn.com

Comments

comments

LEAVE A REPLY