Pres. Duterte, tinanghal na pinakamapagmahal at pinaka may malasakit na lider ng bansa

0
307

Nanguna si Pangulong Rodrigo Duterte bilang ‘most decisive’ at ‘most loving’ o pinakamapagmahal na lider sa katatapos lang na Pahayag survey ng campaign at lobbying firm na Publicus Asia, Inc.

Pinasagot ang 1,500 na respondents mula sa iba’t ibang siyudad sa buong Pilipinas mula noong August 7-9 para alamin ang perception o tingin ng publiko sa mga nakaupong lider ng bansa.

Lamang na lamang si Pres. Duterte sa “Decisiveness Index” na nagtala ng 90%.  Sinundan siya ni Vice President Leni Robredo na nakakuha naman ng 5% at pawang mga 1% naman ang nakuha nila Chief Justice Maria Lourdes Robredo, Senate President Kiko Pimentel at House Speaker Pantaleon Alvarez.

Samantala, humataw pa rin ang pangulo sa “Love, Concern, Care Index”.  Nakitaan si Pres. Duterte ng pinakamataas na pagmamahal para sa bayan (82%), pag-aalala (79%) at malasakit (79%) sa publiko.

Sinundan siya ni VP Robredo, Sen. Pres. Pimentel, Speaker Alvarez at pinakakulelat naman si CJ Sereno.

Ayon sa survey, ang nangungunang indicator sa pagtakda ng mga gradong ibinigay ng mga respondent para sa ‘love, care and concern for the country index’ ay ang mga sumusunod: proyekto para sa mahihirap; nagbibigay ng magagandang serbisyo sa mga mamamayan; tinutupad ang mga pangako; paggawa ng mga outreach program at pagtanggal ng value added tax (VAT).

source: news5

Comments

comments

LEAVE A REPLY