Pres. Duterte, itinalaga si Teddy Boy Locsin bilang bagong UN ambassador

0
287

Itinalaga ni Pangulong Rodrigo Duterte ang dating Congressman at broadcaster na si Teodoro “Teddy Boy” Locsin Jr. bilang Philippine Ambassador to the United Nations o UN.

Kinumpirma ni Presidential Communications Secretary Martin Andanar ang appointment ng Presidente kay Locsin.

Ayon pa kay Andanar, tinanggap na ni Locsin ang alok na posisyon sa kanya ni Pangulong Duterte.

Si Locsin ay kilalang mamamahayag bago siya pumalaot sa mundo ng politika.

Nagsilbi siyang kinatawan ng 1st district ng Makati sa Kamara mula noong 2001 hanggang 2010.

Kilala rin si Locsin bilang isa sa mga aktibong Twitter users sa Pilipinas, at may mga pagkakataon na nababatikos dahil sa kanyang mga komento.

sourceDZIQ990AM

Comments

comments

LEAVE A REPLY