Paniniwala: Paru-parung Ligaw, Isang pagpapahiwatig nga ba?

Paru-parung Ligaw, Isang pagpapahiwatig nga ba?

0
404

Bisperas ng Mahal na Araw,ika bente dos ng Abril taong dalawang libot labing isa (2011) huwebes ng gabi ng pumasok sa aking silid ang isang paru-parung kulay brown,laking takot ko dahil kahit saan ako pumunta sunod ng sunod sakin ang nasabing paru-paru.Ayon sa kasabihan ng matatanda sa aming probinsya ang paru-parung kulay itim at brown ay isang pagpapahiwatig o pagpaparamdam ng mga namayapang mahal natin sa buhay o isang babala na may dalang kapahamakan.Sa una’y hindi ko pinansin ang nasabing paru-paru subalit mag iisang oras na sa aking silid at hindi pa rin umaalis,bigla akong kinabahan at biglang natakot kaya tinawag ko ang kapatid kong babae para samahan ako,ngunit ng makita nya ang nasabing paru-paru ay natakot din sya,sinubukan namin palabasin ang paru-paru padaan sa bintana pero tila ayaw talagang umalis.Tinignan mabuti ng kapatid kong babae ang paru-paru at lalo siyang natakot ng makitang may parehong dalawang malaking hugis mata sa magkabilang pakpak nito at matalim tumingin.

Makalipas ang ilan minuto…

Tumayo ako para manalamin at biglang lumipad ang paru-paru papalapit sakin at ganun na lamang ang takot at kaba ang naramdaman ko at sabay kaming napatakbo ng kapatid ko nag uunahan sa hagdan para lamang makalabas ng bahay,makalipas ang ilang sandali sinubukan kong tawagang ang lola ko para alamin ang tungkol sa paru-paru..ayon sa kanya ang paru parung kulay brown na iyon ay isang pagpapahiwatig o may mangyayaring hindi maganda,naikwento niya ang tungkol sa kanyang kaibigan,isang paru-parung kulay brown daw ang sunod ng sunod dito sa makalipas na dalawang araw at nagtataka raw ang babae kung bakit hanggang sa pagkain at pagtulog ay hindi lumalayo ang nasabing paru-paru sa kanya,nung pangyayaring yun ay nasa bukid ang asawa niya at dalawang araw nang hindi umuuwi,kinaumagahan nagulat na lamang sya nang malaman pinatay ang kanyang asawa at dalawang araw na ang lumipas ang bangkay ng iharap sa kanya,natanong nang babae sa isip niya ang tungkol sa paru-paru ay isa palang pagpapahiwatag nang kanyang asawa.

Takot at kaba nang marinig ko ang kwentong yun ng aking lola,kaya sampung beses akong nagdasal para hindi mangyari sakin o sa pamilya ko ang ganun pangyayari,sinabi ng lola ko na palabasin namin ang paru-paro sa aking silid pero huwag papatayin dala pa rin ng matinding kaba hinintay namin ang isang kasamahan namin sa bahay para makapasok at palabasin ang paru paru.

Makalipas ang isang oras dumating ang isang kasamahan nmin sa bahay para magpatulong na palabasin ang paru-paru,dahan-dahan kaming umakyat sa hagdan patungo sa nasabing silid at sinilip namin kung nandun pa ang paru-paru at hindi nga kami nagkakamali nakadapo sa isang picture frame na may nakalagay na larawan ko,kinilabutan ako at sobrang kaba ang naramdaman ko!!

Pinilit palabasin ng kasama ko ang paru-paru ngunit ayaw lumabas nito kaya minabuti nyang kumuha ng supot at ilagay dito at dalhin sa labas palayo sa aming bahay,mga isang kanto bago niya pinakawalan ang paru-paru na nakalagay sa isang supot at sinunod ko ang bilin ng lola ko na huwag daw papatayin.

Pabalik na kami sa aming bahay at nagkukuwentuhan tungkol sa paru-paru ngunit pagpasok ko sa aking silid ay laking gulat namin nang makita ulit ang paru-paru na nakadapo sa picture frame na may larawan ko!!! Magdamag hindi umaalis ang paru paru sa kanyang kinadadapuan at panay ang sulyap ko kung lalapit sakin,magdamag akung hindi nakatulog sa pangyayaring yun!!kinaumagahan paggising ko nawala na ang ligaw na paru-paru at laking pasalamat ko sa Diyos at nagdasal.

from jhenvargas

Comments

comments

LEAVE A REPLY