Pamahiing Pilipino: Mga Palatandaan at Pahiwatig

0
420

Sa kulturang pinoy, hindi mawawala ang iba’t ibang paniniwala. Nandyan ang mga paniniwala na minana pa sa mga ninuno natin. Heto ang ilan sa mga pamahiin ng mga pilipino na pinaniniwalaan ng nakakarami at binabasihan sa mga pangyayari sa buhay.

1. Mga Palatandaan at Mga Pahiwatig (Signs and Omens)

Kapag ang isang tao ay nagbasag ng itlog at nakakita siya ng dalawang dilaw, siya ay magiging mayaman. (A person who breaks an egg and finds two yolks inside will be rich.)

Ang puting paruparo ay isang palatandaan ng darating na kayamanan. (A white butterfly is a sign of impending wealth.)

Ang isang maliit na burol ng langgam sa ilalim ng bahay ay isang palatandaan ng magandang swerte. (A small anthill under the house is a sign of good fortune.)

Ang isang bahay na madalas pagkumpulan ng mga itim na langgam ay nagpapahiwatig na ang may-ari ng bahay ay magiging mayaman. (A house frequented by black ants means that its owner will be rich.)

2. Mga Dapat at Huwag Dapat Gawin (What to Do/Not to Do)

Huwag ilagay ang iyong pitaka o handbag sa sahig, dahil kapag ginawa mo ito, hindi ka magiging maunlad. (Do not put your purse or handbag down on the floor, or you will not prosper.)

Huwag na huwag kang magwawalis ng sahig sa gabi, dahil kapag ginawa mo ito mawawala ang lahat ng iyong kayamanan. (Never sweep the floor at night, or you will lose all your wealth.)

Ang sinumang nagbabayad ng kanyang utang sa gabi ay magiging mahirap. (Whoever pays his debts at night will become poor.)

Kapag ikaw ay agad na nakakita ng bulalakaw, magbalot ka ng ilang pera sa isang gilid ng iyong panyo at maglaro ka ng pustahan, at ikaw ay siguradong mananalo. (As soon as you see a shooting star, wrap some money in a corner of your handkerchief and play any game of chance, for you are surely going to win.)

Kapag kumakati ang iyong palad, ibig sabihin ay makakatanggap ka ng maraming pera. (If your palm itches, it means you will receive a lot of money.)

Kapag ikaw ay nagsuot ng damit at bigla mong napansin na baligtad pala ang iyong pakakasuot, ibig sabihin ay makakatanggap ka agad ng pera. (After you dress up and you immediately discover that you wore your dress inside-out, it means that you are going to receive money shortly.)

Lagi kang maglagay ng barya o pera sa loob ng bag o lagahe. Kapag hindi mo ito nagastos, ikaw ay magkakaroon ng pera sa buong taon. (Always keep a coin or money bills inside your bag or suitcase. If you don’t spend it, it means you will have money for the whole year.)

Kapag ikaw ay nakakita ng barya sa daan, kunin mo ito at ilagay sa iyong pitaka o bulsa. Kapag hindi mo ito nagastos, hindi ka magkukulang sa pera. (If you find a coin on the road, put it in your purse or pocket. If you never use it, you will never be short of money.)

Magbigay ka ng malaking diskwento sa iyong unang mamimili, upang ang iyong benta sa loob ng buong araw ay lumaki (buena mano). (Give a generous discount to the day’s first customer, so that your sales for the day will increase.)

Pamahiing Pilipino

  • Pagkatok sa kahoy – isa sa mga madaling tandaan na pamahiin ng mga pilipino. Madalas itong ginagawa kapag nagsasalita ka ng mga bagay na hindi maganda sa isang tao. Kakatukin mo daw dapat ang kahoy upang hindi magkatotoo ang iyong mga sinabi.
  • Itchy palad, pera dating – kapag daw kumakati ang iyong palad, may dadating daw na pera. Ito rin ang sinasabe ng mga magulang natin, ang kati ng palad ko, mukhang magkakapera ta’yo sabay ngiti.
  • Itim na langgam, pera rin yan – tulad ng pagkati sa palad, kapag maraming itim na langgam ang bumibisita sa bahay nyo ay may darating din daw na pera. Edi hindi mo sila wawalisin dahil nga pera daw sila. Papagalitan ka ng nanay mo kapag winalis mo ito.
  • Bawal mag-walis ng gabi – sabi nila kapag nagwalis ka daw ng gabi, mawawala daw ang swerte. Dahil sa pagwawalis mo daw ng gabi ay kasabay na mawawala ang iyong swerte. Kaya kadalasan ang dumi ng bahay nyo sa gabi.
  • Nabasag ang picture frame, may masamang mangyayari – nakakatakot na pamahiin ito. Hindi mo alam kung totoo, dahil ang consequences ay may masamang mangyayari sa taong nasa picture. Papaalalahanan mo agad ang taong ito na mag-ingat.
  • Kapag may paru-paro na dumapo sa’yo, may mamatay na kapamilya o malapit sa’yo – mahirap paniwalaan ngunit minsan nagkakatotoo. Kapag may dumapo o may umaaligid-aligid na paru-paro sa’yo ay senyales daw ito na may mapapahamak sa iyong pamilya o sa mga taong malapit sa’yo.
  • Pagkagat sa kahoy kapag nanaginip ka ng masama – kakagatin mo da yung kahoy sa may pintuan nyo para hindi mangyari ang iyong napanaginipan. Nakakalibot, ngunit hindi mo alam kung totoo. Kapag hindi mo daw ikinagat ‘yung panaginip mong yun ay mapapahamak ang taong napanaginipan mo.
  • Kapag may nunal sa paa, gala – nakakatawa pero medyo totoo. Kapag may nunal ka daw sa paa ay malamang gala ka. Hindi mo daw matitiis na hindi ka aalis o maglalakwatsa.
  • Baka mahipan ka ng hangin – wag mo daw guluhin ‘yung mukha mo o di kaya’y laru-laruin o kaya ‘yung mata mo daw, wag ka magduling-dulingan dahil baka daw mahipan ka ng hangin at hindi na bumalik sa dati ang itsura mo.
  • Kapag binatukan ka, kakatukin mo pataas yung baba mo – nung mga bata pa ta’yo, nagagalit ta’yo kapag binabatukan ta’yo dahil naniniwala ta’yo na baka mabobo kapag laging binabatukan. Kaya para makontra ang pagbatok ay kakatukin mo pataas yung baba mo para hindi daw matuloy ang pagiging bobo mo.

Ilan lamang yan sa mga napakaraming pamahiin na nakaugalian na ng mga pilipino. Hindi naman masama kung maniniwala ka, wala namang mawawala.

Comments

comments

LEAVE A REPLY