NPA Umaasang Magbabago pa ang Isip ni Duterte sa Pagdiklara sa Kanila Bilang Terorista

NPA UMAASANG MAGBABAGO PA ANG ISIP NG PANGULONG DUTERTE SA PAGDIKLARA SA KANILA BILANG MGA TERORISTA

0
2868

NDFP UMAASANG MAGBABAGO PA ANG ISIP NG PANGULO

Umaasa ang National Democratic Front of the Philippines o NDFP na magbabago pa ang isip ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ito ay matapos mag-desisyon ang Pangulo na abandonahin na ang peace talks sa pagitan ng pamahalaan at CPP-NPA-NDF.

Ayon kay NDFP Chief Peace Negotiator Fidel Agcaoili, sana ay paraaan lamang na ilabas ang galit nito sa desisyong kanselahin na nang tuluyan ang usapang pangkapayapaan.

Binigyang diin ni Agcaoili na sa pamamagitan lamang ng peace talks makakamit ang basic social at economic reforms sa bansa.

Samantala, pumalag naman si Agcaoili sa pagturing sa kanila bilang mga terorista ni Pangulong Duterte.

Depensa ng grupo, tanging sa militar at pulis lamang sila nakikipaglaban at hindi dinadamay ang mga sibilyan. – source

Comments

comments

LEAVE A REPLY