Muslim ID System Isa Umanong Diskriminasyon, CHR at Ilang Mambabatas Umalma

Muslim ID System Umanong Diskriminasyon, CHR at Ilang Mambabatas Umalma

0
933

Manila, Philippines, umalma ang ilang mambabatas at si Defense Secretary Delfin Lorenzana at Marawi crisis Management Committee Spokesperson Zia Alonto Adiong kaugnay sa plano ng mga opisyal ng pulis at sundalo sa gitnang Luzon na maglabas ng ID sa mahigit 26,000 Muslim sa rehiyon.

Ang ating mga kapatid na Muslim at tayong mga Kristiyano ay iisang lahi, iisang Republika ng Pilipinas. Kaya hindi talaga ako sang-ayon na gumawa ng hakbang ang sino man sa ating otoridad ng Muslim only ID.

Iginiit din ni Sen. Sherwin Gatchalian ang pagpapatigil sa Muslim identification (ID) card system na bahagi ng paghihigpit dahil sa kaguluhan sa Marawi City.

Ayon kay Gatchalian, hindi maaaring mga Muslim lang ang obligahin sa ID system dahil labag ito sa Saligang Batas.

“The Muslim ID card system is a discriminatory policy which violates the constitutional right of Muslim Filipinos to equal protection under the law. It should be scrapped immediately,” ani Gatchalian.

Tinawag din na ‘discriminatory’ ng CHR sa gustong ipatupad ng Tarlac officials na ‘Muslim ID’.

The Commision does not agree with the proposed ID system for our Muslim brother. While we understand the reason behind it, we believe that such practice is discriminatory and puts indigeneous peoples and our Muslim brothers at a disadvantageous position.

Credits: News/ RMN, GMA, PhilStar / ourdailyrevelationsph

Comments

comments

LEAVE A REPLY