Mga ASEAN Leaders, Sabik Nang Makausap Si Pangulong Duterte

0
603

Ngayon pa lang, maraming ASEAN leaders na ang nagpahayag ng pagkasabik na makipag-bilateral talks kay Pangulong Rodrigo Duterte sa gaganaping Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) Summit sa Vientiane, Laos mula Setyembre 5 hanggang Setyembre 7.

Ayon sa ulat ng Philstar, sinabi ni Presidential Communications Office Secretary Martin Andanar na maraming ASEAN leaders ang nagpakita ng interes na makapulong si Pangulong Duterte na aniya ay ang pinaka-pinag-uusapang lider ngayon sa ASEAN at sa buong mundo.

Ani Andanar, inaasahan na dudumugin si Pangulong Duterte ng mga international media companies upang makapanayam ito.

Bago tumuloy sa Laos para sa ASEAN summit ay magtutungo muna si Pangulong Duterte sa Brunei Darussalam para sa isang working visit at upang personal na pasalamatan si Brunei Sultan Hassanal Bolkiah sa magandang trato ng Brunei sa mga Pilipino na naghahanapbuhay doon.

Pagkatapos naman ng ASEAN Summit ay tutulak patungong Indonesia ang Pangulo para sa 2-day working visit.

Ang isang linggong biyahe ng Pangulo ay ang kanyang kauna-unahang paglabas ng bansa mula noong mahalal siya noong May 9.

 

Source : Philstar, Inquirer, Kami

Comments

comments

LEAVE A REPLY