Mayor Mabilog ng Iloilo City, Tanggal na sa pagka Alkalde

Mayor Mabilog ng Iloilo City, Tanggal na sa pagka Mayor

0
1131

Mayor Jed Patrick Mabilog, Sibak na sa pwesto bilang alkalde sa lungsod ng Iloilo, kaugnay sa kasong “serious dishonesty relative to unlawful acquisition of wealth.”

Sa dismissal order na inilabas ng Ombudsman, sibak na sa serbisyo bilang alkalde si Mabilog.

Maliban dito, batay sa ruling hindi na rin maaaring manungkulan sa alinmang tanggapan ng gobyerno si Mabilog at hindi rin matatanggap ang retirement benefits.

Ito ay may kaugnayan sa kasong isinampa ni dating Iloilo provincial administrator Manuel Mejorada.

Noong 2015 nang sinampahan ni Mejorada ng kasong plunder, dishonesty, grave misconduct at perjury ang alkalde.

Batay sa complaint affidavit ni Mejorada, tumaas umano ng P54 million ang yaman ni Mabilog matapos itong naupong alkalde ng lungsod.

Hindi raw idinekalara ng tama ni Mabilog ang kaniyang ari-arian sa Statement of Assets, Liabilities and Net Worth (SALN) nito noong 2014.

Kinuwestyon ni Mejorada ang pagkakaroon ng mga ari-arian ni Mabilog na hindi naman umano kayang bilhin kung ang sahod lang ng alkalde at ang kita nito sa pagiging negosyante ang pagbabatayan.

Kabilang na rito ang bahay ni Mabilog sa Barangay Tap-oc, Molo, Iloilo City na kamakailan lang ay tinawag ni Pangulong Rodrigo Duterte na mansion.

Nabigo raw si Mabilog na ideklara sa kaniyang SALN kung saan nanggaling ang mga yaman nito.

Wala pang reaksyon ang alkalde na ngayon ay naka-sick leave pa rin at namamalagi sa ibang bansa.

Bagama’t una nang sinabi kahapon ng tagapagsalita at legal counsel nito na si Atty. Mark Piad na nakatanggap na sila ng impormasyon, ngunit wala silang hawak na dokumento sa dismissal order.

Ayon pa kay Piad na ipinapasa-Diyos na lamang daw ni Mayor Mabilog ang lahat maging ang banta ng Pangulong Rodrigo Duterte na ang alkalde umano ng Iloilo City ang susunod.

Si Mabilog ay una nang tinukoy ni Duterte na umano’y drug protector. (source)

 

Comments

comments

LEAVE A REPLY