Mahigit 3000 Drug Suspects Boluntaryong Sumuko sa South Cotabato at Sultan Kudarat

1
496
photo from viralnews-ph

Sa malalapit na pag upo ni Incoming President Rodrigo Duterte sa Malacañang, mahigit 3000 na ang mga boluntaryong sumuko sa South Cotabato at Sultan Kudarat, kasama na dito ang mahigit kumulang Isang Libong sumuko noong nakaraang linggo sa Saranggani at General Santos City.

Sa pahayag ng Polisya, mahigit 3,146 na mga individual ang boluntaryong sumuko sa ibat ibang police station ng South Cotabato at ang ilan ay sa Sultan Kudarat, na nangangakong magbabagong buhay na at hindi na gagamit sa illegal na druga sa harap ni Incoming DILG Secretary Mike Sueno.

Sinabi ng South Cotabato Provincial Police Office (SCPPO) information officer C/Insp Conrado Jovero ang bilang ng mga sumuko ay hindi pa Final, sapagkat maraming pang dumarating para mag boluntaryong sumuko, Dahil ito sa Programang “OPERATION BATO” na hinihikayat ang mga gumagamit at peddles na sumuko at tumulong para ma sugpo ang illegal na druga.

 

Halos magkasingtulad lang ang mga rason ng mga sumukong drugs posers, na sumuko sila dahil sa nababalitaan nilang ang maigting na pagtugis sa mga gumagamit ng illegal na druga, at ang pagsuko ay ang kanilang paraan upang hindi maipakulong, at matutulungan silang magbagong buhay, at sumailalim sa rehabilitasyon.

Ang awtoridad ay nakikipag coordinate ngayon sa ibat ibang ahensya ng gobyerno upang makipagtulugan na mabigyan ng magandang hanapbuhay at pagkaka abalahan ang mga sumukong drug users and posers, such as TESDA at ang ibang qualified na gustong mag aral ay mabibigyan ng libreng Alternative learning System (ALS) sa ilalim ng Department of Education (DepEd).

Ito ang kauna-unahang massive at record-breaking figures na mga drugs users for the first time boluntaryong sumuko at nangangakong magbabagong buhay.

Comments

comments

1 COMMENT

LEAVE A REPLY