Lilinawin Ko! “Hindi Ako Tatakbo” – Mocha Uson

Lilinawin Ko! "Hindi Ako Tatakbo" - Mocha Uson

0
2068

Ito ang paglilinaw ni mocha uson sa kumalakat ng main stream media, na tatakbo umano si mocha uson, without consulting personality sa kanya, besides si Alvarez lang yung may gusto at may plano na sana tumako si Mocha at si Roque.

Ang mainstream media ay dapat kinulsulta nila si mocha, bago gumawa ng mga misleading headlines.

Narito ang pahayag ni Mocha Uson!

HINDI AKO TATAKBO

Gusto ko lang tapusin ang issue na ito. Dahil hindi pumapasok sa mga kokote ng mga tsismoso at tsismosa ng ilang kababayan natin. Lilinawin ko lang po uli.

1. I AM NOT RUNNING. Hindi ako magpapaligoy ligoy ng sagot. Malinaw ang sagot ko HINDI AKO TATAKBO. Wala ng mas lilinaw pa diyan.

2. Hindi ako pulitiko. Alam po niyo yan mga kaDDS. I hate politics and politicians. Ano ba ibig sabihin ko niyan? Ganito lang yan sa pulitika sabi nga nila walang permanenteng kaaway o kaibigan. Bakit? kasi nga balimbingan ng balimbingan diyan. Sa totoo lang diring diri ako sa ganyan. Dahil lang gusto mo ng may kapangyarihan babaluktutin mo prinsipyo mo. GALIT AKO SA GANYAN. At alam naman natin sa Senado napakaraming balimbing diyan. Napakaraming pulitiko diyan. Hindi ba yan ang dahilan ba’t natin binoto si PRRD dahil inis na tayo sa mga TRAPO? Sabi nga nila sa pulitika marunong ka dapat mag laro. Kaya walang nangyayari sa bayan natin dahil diyan sa lintik na kasabihan na yan. Isa pa kung kakandidato ka dapat maging plastik ka sa mga Media at iba’t ibang pulitiko lalo na sa LGU. So paano na mga kabulukan nila at kalokohan nila? Hindi na natin pupunahin dahil kakandidato lang ako? Over my dead body! Itong MUB at mga Pro-Duterte bloggers na nga lang boses natin dahil madami diyang MEDIA naging PR Firm na ng mga pulitiko tapos magiging pulitiko pa po ako?

3. Kung tatakbo ako ang aga naman ata ng announcement. Maling mali na mag announce ngayon, bakit? Kasi tatargetin ka ng mga kalaban mo. Lalo na mga dilaw na kandidato. Ang dumi pa naman mag laro ng mga dilawan. Ngayon pa nga lang grabeh na ang paninira nila. Yang bansag na FAKE NEWS na yan? Kahit sila ang madalas mag kamali pero dahil alam nila nakakasira tayong mga DDS sa kanila gagawin nilang manira para hindi lumabas ang baho nila. Ngayon na may ganyang announcement sigurado ako pinaplano na nila lahat ang paninira. Kaka announce pa nga lang inatake na tayo ng mga trolls nila. Basahin niyo po ito- https://goo.gl/F8BWn3

4. I WILL ONLY RUN IF PRRD WILL TELL ME TO RUN
Bakit??? Kasi nga DDS ako. Ano ibig sabihin nito? My loyalty is only to him. WALA NG IBA. O hihirit nanaman yung mga dilaw dapat sa taumbayan ang loyalty mo. Common sense po lang, ang ibig sabihin ko ng “my loyalty is only to him” ay pagdating sa mga nasa gobyerno o polticians not pertaining to people. Siyempre I am here to serve the Filipino people. Given na yan pero pag dating sa mga boss wala na akong ibang boss kung hindi si PRRD. Siya susundin ko dahil sa kanya lang ako may tiwala na may tunay na malasakit sa mga Pilipino. Yung iba? ewan ko lang. If I will run dahil gusto ko lang mapabilis na mapasa ang mga programa gusto niya para sa taumbayan. Sa totoo lang kaya bumabagal ang pag unlad ng Pilipinas hindi na dahil kay PRRD dahil yan sa napakabagal na pagpapasa ng mga batas na kailangan ng Pangulo. Halimbawa nalang DEATH PENALTY??? Anong petsa na? Ilang RAPE incident pa ba ang gusto nating mapanood sa news? Pangalawa EMERGENCY POWERS ng DOTr? Panay sisi na lang tayo sa DOTr? pero ang totoo hindi sapat ang kapangyarihan nila.
Bakit ba tumatagal? kasi yung “ilang” mambabatas natin kesa na yan ang asikasuhin namumulitika at nagpapakyut lang dahil kakandidato sa 2019. Kaya ito ang sagot ko wala ng paliguy ligoy pa- tatakbo lang ako dahil gusto ng Pangulo mapabilis ang kanyang plano para sa bayan.

5. Huli sa lahat mga kaDDS. Para lang sa kaalaman ninyo gusto ko nang mag quit sa pulitika as soon as possible. After PRRD gusto ko nang maging pribado muli. Nandito lang po ako dahil gusto ko po makita na maisakatuparan ang mga pinangako ni PRRD noong nakaraang eleksyon. Since nakilala na po natin ang Pangulo at ang ilang mga gabinete ay gusto ko lang ipagpatuloy ihatid ang mga hinaing ng mga Pilipino sa kanila. YAN LANG ANG DAHILAN BAKIT AKO NAG PAPATULOY. Wala ng iba. Sa totoo lang nakakapagod na po. Habang nagtratrabaho po tayo hindi tumitigil ang kaaway ng bayan mang bash, kahit itong basurang Rappler na ito parang stalker na. Nag aabang ng pagkakamali tapos ibabalita. Kahit mga maliliit ng mali. Yun nga misquote ng THE MANILA TIMES sa akin pa sinisi.

Alam niyo mga kaDDS nakakalungkot dahil lahat ng gagawin natin ngayon ay siguradong kukulayan ng mga opposition dahil dito. Sa mga masugid pong nagbabasa ng MOCHA USON BLOG kilala niyo po ako. Galit ako sa TRAPO, EPALITIKO at higit sa lahat GALIT AKO SA MGA PLASTIK na pulitiko. Sabi nila madumi daw ang showbiz world pero mas marumi di hamak ang pulitika. Kaya yan ang pinaka huling papasukin natin. Hangga’t maari dito nalang tayo sa pagsisilbi sa ating Pangulo sa Executive Branch at after this balik pribado na tayo. Sa totoo lang gusto ko na mag quit ngayon palang. Kung hindi lang dahil sa pang-aapi ng ilang media at mababang tingin ng ilang opisyal ng gobyerno sa mga DDS at pro-Duterte bloggers ay titigil na tayo. Gusto ko din maging bukas ang impormasyon para sa lahat hindi lang sa traditional media. Yan ang aking mission bilang ASEC.

Sana po naliwanagan na ang ilang mga kaDDS natin. Tuloy ang laban para sa ating bayan at para sa ating Pangulo!

Comments

comments

LEAVE A REPLY