Joma Sison: Baliw lang ang magsasabing mabuti ang Martial Law

Joma Sison: Baliw lang ang magsasabing mabuti ang Martial Law

1
9328

Ito ang pahayag ng Communist Party of the Philippines founding chairman Jose Maria Sison tungkol sa pagdiklara ni Pangulong Rodrigo Duterte ng martial sa Mindanao. aniya, Mistulang ‘naglalaro ng apoy’ si Pangulong  Duterte sa kanyang deklarasyon ng martial law sa Mindanao.

Ito ang pananaw ni Joma Sison sa panayam ng inquirer. Dagdag pa ni Sison, mistula nitong pinaglalaruan ang bayan sa naturang hakbang.

Sakim umano sa kapangyarihan, bu-ang lamang ang magsasabing mabuti ang martial law at solusyon ito sa mga problema ng bayan,”

Mistula rin aniyang uri ng ‘trial balloon’ o ‘testing’ ang deklarasyon ng martial law sa Mindanao kung uubra itong ipatupad sa buong bansa.

Tiyak aniyang magiging negatibo rin ang epekto nito sa usapang nagaganap sa pagitan ng panig ng gobyerno at rebeldeng grupo na nasa ikalimang round na ng peace talks sa The Netherlands.

Comments

comments

1 COMMENT

LEAVE A REPLY