Isang pagsabog sa Marantao ang bumulagta sa daan-daang Estudyante

0
460

Isang bomba ang pinasabog sa dalawang barangay sa Marantao, isang lungsod na kalapit lang ng Marawi City kung saan nagkakaroon pa ng bakbakan ng ating mga sundalo kontra ang Maute Group.

Ayon sa mga pulis, hindi bababa sa anim na bomba ang pinasabog sa Marantao ng mga hindi pa kilalang mga tao.

Sumabog ang isa sa mga bomba sa bakod ng isang paaralan sa Barangay Ragaya kung saan 480 estudyante ang may klase nitong Linggo, Agosto 6.
Karaniwang may klase sila roon tuwing Linggo, kapalit ng Biyernes na wala silang pasok.

“Noong sumabog iyong bomba, kung saan-saan napunta mga bata, may nadapa, hinimatay iyong iba, pinupulot namin umiiyak” ani Nasser Dimapinto, presidente ng CACSI Integrated School na apektado ng pagsabog.

Sa awa ng Diyos, wala naman daw sugatan sa pagsabog sa eskuwelahan.

Sumabog din ang isa pang bomba sa bahay ni United Nations World Food Programme Officer Baicon Macaraya.
Ayon sa caretaker ng bahay, ilang metro lang ang layo sa kanya ng pinagbagsakan ng bomba ng hindi pa hinihinalang mga tao.

“Papalapit sana ako, bubuksan ko ang gate, bigla na lang pumutok (ang bomba), masyadong malakas, medyo nawala ako sa sarili ko, napatalon ako bigla,” sabi ng caretaker sa isang panayam.

Siya lang mag-isa ang nasa bahay dahil wala ngayon sa Marantao ang pamilya Macaraya.

Nagpasalamat naman ang residenteng si Nabel Mohamadali na hindi sumabog ang bombang nahulog mismo sa kanilang bahay.

“Noong palabas na kami [sa bahay] ng kapatid ko, biglang may pumasok na bomba. Buti na lang di sumabog, kung hindi patay na kami.” ani Mohamadali.

Nilikas na naman ang nasa 100 na residente sa Barangay Matampay nang may sumabog na bomba sa isang komunidad.

Pansamantala muna silang tumuloy sa munisipyo ng lungsod.

Ayon kay Muhammad Abinal, chief of staff ng alkalde ng Marantao, posibleng kaso ng ‘ligaw na bomba’ ang mga pagsabog dahil ilang kilometro lang ang layo nila mula sa bakbakan ng militar at Maute.

Dagdag pa ni Abinal, walang terorista sa kanilang lugar, pero nakahanda umano silang harapin ito kung saka-sakali.

“Kaming mga taga-Marantao lalaban kami sa ISIS, magpatayan kami pati mga barangay chairman namin,” mungkahe ni Abinal.

Ayon naman sa tagapagsalita ng Joint Task Force Marawi na si Capt. Jo-Ann Petinglay, nanggaling sa mga terorista ang mga bomba.

Base sa inisyal na imbestigasyon ng militar, ganti ng mga terorista ang mga pinakawalang pasabog.

Inaalam na kung ano ang eksaktong lokasyon ng mga kalabang nagpasabog sa Marantao.

Maging maingat po tayo lalo na sa mga panahong ito na may maraming pagbabanta sa ating bansa mula sa mga terrorista, lalo na ang mga NPA at ISIS. Ipaalam kaagad sa mga awtoridad kung may mga kahina-hinalang mga pangyayari sa inyong lugar.

SOURCE : ABS-CBN NEWS

Comments

comments

LEAVE A REPLY