Isang Chinese National Drug Lord, Patay sa Dapecol

0
298

1 INSIK NAPATAY SA DAPECOL, DRUG LORD

Kinumpirma ng mga awtoridad ang isa sa tatlong chinese national drug lord na sinasaksak patay, sa loob ng Davao Penal Prison and Prison Farm nitong nakaraang linggo.

Ang Chinese national ay kinilala na si Li Alan Yan, alias “Jackson Dy” na may kinalaman sa mga illegal drug transaksyon sa loob at labas ng kulungan.

Inilipat Mula sa National Bilibid Prison si Jackson Dy sa DAPECOL (Davao Penal Colony) ng ini-utos ni former Justice Secretary at ngayon ay Senadora Leila De Lima.

Noong Pebrero 2013, kinidnap ng mga armadong kalalakihan si Jackson Dy habang patungo ito sa court hiring, kung saan pinaniniwalaang miyembro ng Ozamis Robbery-Holdup gang ang tumulong sa mga nasabing chinese national.

At noong Hulyo 2013, nahuli si Jackson Dy sa kanyang Hideout sa Little Baguio sa San Juan kung saan nakuha sa kanya ang dalawang sako ng shabu.

Si Jackson Dy ang nagbigay dungis sa National Bureau of Investigation pagkatapos nitong isiwalat sa Criminal Investigation and Detection Group na ang NBI ang kanyang protector. kaya nagkaroon ng alitan ang dalawang ahensya ng gobyerno sa panahong iyon.

Comments

comments

LEAVE A REPLY