Isang Bangkay ng Dalagita na kalilibing lang, Ginahasa?

Bangkay ng Dalagita, Ginahasa?

0
2374
Muling tinapalan ng cemento ang naturang puntod - photo from abs-cbn

MEXICO, Pampanga – Nagulat ang isang pamilya sa bayang ito nang malaman nilang may naglabas ng bangkay ng namayapa nilang mahal sa buhay na kalilibing lang nitong Sabado.

Linggo ng umaga nang datnan ng pamilya ang bangkay ng 17 anyos na si “Wendy,” malayo sa nitso, nakalabas na sa kabaong, walang saplot, at nakataas pa ang paa.

Suspetsa ng pamilya, ginahasa si “Wendy” ng sinumang kumuha ng bangkay nito. Pero iimbestigahan pa ito ng pulisya dahil wala pa umanong matibay na ebidensyang susuporta sa hinala ng pamilya.

Sakali namang mapatunayang ginahasa ang bangkay, “malicious mischief” ang posibleng isampang reklamo laban sa salarin dahil itinuturing ng isang bagay, hindi tao, ang isang bangkay.

source: abs-cbn

Comments

comments

LEAVE A REPLY