Inilibing na Bata, Muling Hinukay

INILIBING NA BATA, MULING HINUKAY

0
1122

Usap-usapan ngayon sa Ilagan City, Isabela ang isang batang ilang araw nang patay pero malambot pa at di pa matigas.

Nagtungo ang 98.5 Mhz RMN News Team sa mismong barangay na pinangyarihan at nasaksihan ang malambot pang bangkay na muling nilalamayan ng kanyang mga kamag anak.

Sa panayam ng 98.5 Mhz RMN News Team sa ama ng bata na si Jimmy Jacinto, ang namatay na apat na taong gulang na si Jenny Rose Jacinto ay nilagnat noong Lunes, Agosto 28, 2017. Humupa ang lagnat kinabukasan matapos painumin ng gamot pero muling bumalik ang sakit kasama ng panginginig noong gabi ng Martes kaya agad nilang isinugod sa Isabela Provincial Hospital. Idineklarang patay ang bata noong araw ng Miyerkules kaya nila ito inuwi at nilamayan hanggang sa libing nito noong Biyernes, Setyembre 1, 2017.

Ngunit dumating ang kanilang kamag anak na si Gemma Jacinto De Villa at sinabing naipayo ng isang erbularyo na buhay pa ang bata na nagbunsod sa isang pasya na balikan ang sementeryo at ilabas ang bata sa loob ng nitso.

Sila ay namangha dahil nang kanilang buksan ang ataul ay malambot pa at di nakitaan ng pagka-agnas ang namatay na bata.

Kasalukuyang binabantayan ito ng pamilya at ayon sa mga magulang at kamag anak ay tatlong beses na itong umihi at dumumi kaya pinapalitan pa rin nila ang kanyang diaper. Kanila ding pinapainom ang bata sa pamamagitan ng pagpapatulo ng tubig sa bunganga nito.

Umaasa ang mag asawang sina Jimmy Jacinto, 47 anyos at Gina Jacinto, 43 anyos na mga magulang ng namatay na bata at kapya residente ng Canapi, San Ignacio, Ilagan City, Isabela sa milagro at di pa nila napagdedesisyunan ang gagawin sa likod ng kasalukuyang estado ng anak.

Source : 98.5 Mhz RMN NEWS

Comments

comments

LEAVE A REPLY