Ikatlong Person of interest / Suspect sa Bulacan Massacre, Natagpuang patay

Ikatlong Person of interest / Suspect sa Bulacan Massacre, Natagpuang patay

0
1381

Natagpuang patay ang ikatlong person of interest sa Bulacan Massacre kaninang umaga sa bayan ng San Miguel.

Base sa spot report mula sa San Miguel PNP, 6:00 ng umaga kanina nang itawag sa kanila ang isang bangkay ng lalaki na natagpuan sa tabing-kalsada sa Brgy. Pacalag.

Kinilala ang nasawing bangkay na si Anthony Garcia, 29-anyos na nakatira sa San Jose Del Monte, Bulacan.

Balot ng tape ang mukha ng bangkay. May placard ding iniwan dito na may nakasulat na “Addict at rapist ako.  Huwag tularan.” May tama rin ng bala sa ulo at katawan ang lalaki at may senyales na sinakal din siya

natagpuang patay

  

 16 hours ago

BULACAN, Philippines — Natagpuang patay ang ikatlong person of interest sa Bulacan Massacre kaninang umaga sa bayan ng San Miguel.

Base sa spot report mula sa San Miguel PNP, 6:00 ng umaga kanina nang itawag sa kanila ang isang bangkay ng lalaki na natagpuan sa tabing-kalsada sa Brgy. Pacalag.

1-copy

Kinilala ang nasawing bangkay na si Anthony Garcia, 29-anyos na nakatira sa San Jose Del Monte, Bulacan.

Balot ng tape ang mukha ng bangkay. May placard ding iniwan dito na may nakasulat na “Addict at rapist ako.  Huwag tularan.” May tama rin ng bala sa ulo at katawan ang lalaki at may senyales na sinakal din siya.

2

(Photo courtesy: PNP San Miguel)

Bago nito ay lumapit sa San Miguel PNP ang mga kaanak ni Garcia para isumbong ang pagdukot sa kanya ng ilang armadong lalaki kahapon ng ala una ng madaling araw. Lahat daw ng suspek ay naka-bonnet at pwersahan daw nilang isinama at isinakay si Garcia sa isang berdeng AUV na walang plaka.

Agad namang dinala sa Dariz Funeral Service sa Gapan, Nueva Ecija ang bangkay ni Garcia para isailalim sa medico-legal examination.

Kinumpirma naman ng San Jose Del Monte PNP na isa si Garcia sa persons of interest sa Bulacan Massacre na nangyari noong June 27.

Matatandaang nitong Martes, natagpuan ang unang pinatay na person of interest sa Bulacan Massacre na si Ronaldo Pacinos alyas “Inggo”. Nagtamo siya ng mga saksak at pinutol ang ilan sa kanyang mga daliri.

Kinabukasan, Miyerkules, nang pasukin ang bahay ng ikalawang person of interest na si Rosevelth Sorima alyas “Ponga” at pagbabarilin sa harap ng kanyang pamilya.

source: news5

Comments

comments

LEAVE A REPLY