Listahan ng mga Accomplishments ng DU30 Administration sa taong 2017

Listahan ng mga Accomplishments Ng DU30 Administration sa taong 2017

0
296

Ito ang ilan sa mga highlights ng Duterte Administration sa taong 2017.

1. Mula January hanggang September 2017, 36,051 hektarya ng lupa ang naipamigay sa 31,737 agrarian reform beneficiaries.

2. 88,678 na mgasasaka, 4,518 farmer association at 117 fisherfolks association ang natulungan ng Department of Agriculture sa pamamagitan ng pagbibigay ng planting materials, fertilizers, environment-friendly fishing gears at iba pang production support services.

3. Nakapagbigay ng ayudang pinansyal na aabot sa P14.8 million sa 1,012 magsasaka na na-apektohan ng bagyong Auring at Nina.

4. Pagpapagawa ng small-scale irrigation projects (SSIP) para sa mga magsasaka. Umabot ng 3,489 SSIPs ang naipagawa.

5. Inilunsad ang National Color-Coded Agricultural Guide map (NACCAG). Isang internet-based agri-map na makakatulong sa mga magsasaka at mangingisda sa kanilang pagdedesisyon at pagpaplano sa kanilang hanap-buhay.

6. Lumago ng 2.32% ang agrikultura ng Pilipinas.

7. Nakakapagpatayo ng 36,838 na mga silid paaralan at 448,935 school seats ang naibigay sa mga estudyante.

8. 29,725 na mga guro ang nabigyan ng trabaho para sa K to 12 program ng gobyerno.

9. P997,405,080 Special hardship Allowance ang ibinigay sa mga gurong nagtuturo sa Alternative Learning System.

10. Free College Tuition Fee – Republic Act (RA) No. 10931.

11. Tuition Subsidy for Medical Students.

12. Mahigit 237,000 bahay ang nabigyan ng kuryente ng Department of Energy.

13. Nakakumpiska ang Deparment of Environment and Natural Resources (DENR) ng mga undocumented wood products na may halagang P30 million sa Quezon City.

14. Nakapagbigay ang DENR ng 640,000 trabaho sa pamamagitan ng National Greening Program ng gobyerno.

15. Naipasa ang Tax Reform for Acceleration and Inclusion Act (TRAIN) o Rupublic Act No. 10963. Sa pamamagitan nito ay magiging simple na ang tax system sa bansa.

16. Pagbabayad ng Philippine Airlines ng utang na P6 billion.

17. Pagbabayad ng Mighty Corporation ng utang na P40 billion.

18. Pagpapaalis sa Sunvar Realty Development Corporation sa Mile Long Property ng gobyerno.

19. Five-day mandatory response time para sa external at internal clients sa Bureau of Customs.

20. Pagbisita ng Pangulo sa iba’t-ibang bansa para palakasin ang pakikipag-ugnayan ng Pilipinas sa mga banyagang bansa. Sa pamamagitan nito ay nakakuha ang Pilipinas ng mga pledges para sa mga infrastructure projects ng gobyerno at nakalikha rin ng libo-libong trabaho para sa mga Pilipino.

21. Pagpapalawig sa validity ng Philippine Passports ng 10 taon.

22. Tinanggal ang 1200 slot reservation ng mga travel agencies.

23. 16, 103 drug dependents ang nagsasailalim sa drug rehabilitation program ng Department of Health (DOH).

24. 2,236 drug dependents ang nakatapos ng drug rehabilitation program ng DOH.

25. 14,046 drug surrenders ang nabigyan ng livelihood at skills training ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA).

26. Expiration ng prepaid loads, ginawang isang taon.

27. “Pipol Konek” o Free WIFI sa mahigit 907 lugar sa Metro Manila at 47 sa ibang probinsya.

28. Nakapagbigay ng tubig sa 523 waterless municipalities.

29. Paglilinis sa hanay ng Philippine National Police.

30. P1000 na dagdag sa minimum wage ng mga kasambahay sa National Capital Region. Makakatanggap na ang mga kasambahay ng sahod na di bababa sa P3,500

Para sa buong detalye ng 2017 Key Accomplishments ng Duterte Administration, basahin ang kabuuang ulat ng Presidential Communications Operation office.

Bilib ka ba sa mga accomplishments ng ating kasalukuyang gobyerno?

Source: Janet Carin

 

Comments

comments

LEAVE A REPLY