CBCP: Nasaan Ang Pangako Ni Duterte Na Magbibitiw Kapag ‘Di Nalutas Ang Droga?

8
415

MANILA, Philippines – Isinusumbat ngayon ng Catholic Bishops Conference of the Philippines o CBCP kay Pangulong Rodrigo ang pangakong binitawan ng huli nang ito ay nangangampanya pa lamang.

Partikular na tinatanong ni Manila Archbishop Broderick Pabillo ang naunang pangako ng Pangulo na magbibitiw  sa puwesto kapag hindi niya nalutas ang problema sa droga at kriminalidad sa loob ng 3-6 na buwan.

“Ano ang nangyari sa pangako niyang magbibitaw siya sa pagkapangulo?” tanong ng arsobispo matapos humingi si  Duterte ng karagdagang anim na buwan para tapusin ang problema sa ilegal droga sa bansa. “Sa kanyang kampanya ay tiniyak niya na tatapusin niya ang problema sa droga sa loob ng anim na buwan”.

Ayon kay Pabillo, lumalabas na walang isang salita si Duterte at hindi mapagkakatiwalaan dahil marami itong ginagawang dahilan matapos paasahain at papaniwalain ang mag tao sa kaniyang kakayahan.

“Walang sinuman tao ang nasa matinong kaisipan ang nakapagsabi ng ganyan. Hindi niya ba nakikita na ang kanyang pamamaraan ay hind epektibo?” dagdag pa ni opisyal ng CBCP.

Walang mataas na opisyal na naparusahan

Ang CBCP ay nauna nang nagpahayag ng kanilang pagkabahala sa lumalaganap na patayan alinsunod sa panawagan ni Duterte na sugpuin ang droga at kriminalidad sa bansa sa loob ng anim na buwan.

Sa huling talaan ng Philippine National Police (PNP), umaaabot na sa 3,000 ang napatay na kinabibilangan ng mga pinaghihinalaang drug user at pusher, at ang ilan pa ay pinaniniwalaang inosente.

“We are disturbed by an increasing number of reports that suspected drug-peddlers, pushers, and others… have been shot, supposedly because they resist arrest,” ayon kay CBCP President Soc Villegeas sa isang nilagdaang pahayag nito bilang pagtugon sa mga tumataas na bilang ng mga namamatay kaugnay sa operasyon ng pagsugpo sa droga sa ibat-ibang panig ng bansa. [Kami ay nababahala sa tumataas na bilang ng mga ulat na ang mga suspek ay nabaril, diumano dahil nanlaban]

“It’s equally disturbing that vigilantism seems to be on the rise,” ito ang naging pahayag ni Soc Villegas, ang pangulo ng CBCP. [Nakababahala rin na ang bilang ng vigilante ay tila tumataas.]

Rehabilitasyon ang mas kailangan

Ayon kay Pabillo, naniniwala siya na mas mainam na ituon na lamang ang atensyon ng gobyerno sa rehabilitasyon ng mga nalululong sa droga.

Mas makabubuti umano kung itutuon na lamang ng gobyerno ang kampanya nito laban sa kahirapan at kurapsyon dahil lumalabas na wala pa namang napaparusahang mga matataas na opisyal tulad ng mga heneral o mayor.

Lumabas ang pahayag ng CBCP matapos humingi ng pag-unawa ang Malakanyang dahil kailangan umano ng Pangulo ng karagdagang panahon para makagawa ito ng “comprehensive solution” para sa problema sa droga.

Subalit ayon naman kay Ping Lacson, ang anim na buwang karagdagang palugit ay walang saysay dahil ang problema sa droga, krimen at kurapsyon ay napakaimposibleng sugpuin kahit pa ng mga mauunlad na bansa sa daigdig.

Comments

comments

8 COMMENTS

  1. Lord, patawarin mo Yung bumabatikos sa Mga pari. Maawa po kayo sa kanila kagaya ng pagkaawa nyo sa magnanakaw Na napako sa krus katabi mo. Panginoon, tulungan mo kaming maawa, magpatawad at magmahal sa Mga gumagawa ng Hindi mabuti sa lipunan. Patawarin mo Kami sa aming tiwaling kaisipan at maling pagtangkilik sa pagpalabag sa Utos mo Na mahalin ang aming kaaway. Amen

  2. Father ilang dekada na po kayong pari?ilang dekada ng nagmimisa sa nasasakupan niyo? DEKADA PO ANG TANONG KO? SA TINGIN NIYO PO 100% NG MATINO ANG KAHAT NG TAO JAN SA NASASAKUPAN NIYO? F YES MASASABI KO PONG MAY KARAOATAN NGA KAYONG MAGBITIW NG SALITA NG GANYN PARA KAY PRESIDENTE pero kung hindi po tanungin muna niyo din ang sarili niyo kung tama po ba yong binitiwan niyong salita.nanakakabuti ba sa imahe niyo yong ganong klaseng salita.ms maganda po siguro magmisa kayo sa mga nahubuling drug addict o dru pusher sa mga sumusuko po at sure na masasabi niyo na sa sarili niyo na tumutulong nga kayo.ISIPIN NIYO PO NA KAYO DIN AY AMA NG SAMBAYANAN.NATANONG NIYO NA PO BA SA SARILI NIYO TAMA BA ANG GINAWA KO BILANG AMA NILA? O DI KAYA MAS MAINAM NA ISIPIN NIYO ANO KAYA ANG PWEDE NIYONG MAITULONG SA SANLIPUNAN PARA MABAWASAN ANG TALAMAK NA MGA GUMAMIT SA DROGA AT MABAWASAN MAN LANG ANG KRIMEN.

  3. wag nyo po sna sumbatan c pangulo gngwa nya tungkulin nya, bilang pari gawin mo din po tungkulin mo s sambayanang pilipino kung sinusugpo ni duerte ang mga user at pusher sa bansa sana ikaw palaganapin mo salita ng Diyos kesa nakikisawsaw ka s Politika…Gumgawa kayo ng ingay..magpasalamat pa nga dapat kayo at ipagdsal dpat c duterte na gngwa nya sugpuin ang drugs na di gnwa ng mga ngdaang administrasyon…tas gsto nya na magresign c duterte pag nagresign sya eh di bmalk na nmn lahat ng drug lord s bansa.. yan ab gsto nyo hndi maayos ang bnsa natin… Panalangin ko kay Lord God na sana ang Pari na ito na gusto mawala c duterte eh imulat ang isip at puso s pagbabago na gngwa ng pangulo s bansa kesa maging hadlang ay isa sana sya s magig kaalyado at suporta ke pangulong duterte at sana dasal ng suporta at pagprotekta s kalugtasan ni Pangulo ang idulog nya sa Panginoon habang nakikipaglaban c Pangulo para maiayos ang sambayanang pilipino…

  4. Bakit nung nangako c pnoy na magpapasagasa sa tren d nyo isinumbat….tren nga d agad maayos ni pnoy agad na maliit lang ma problema.drugs pa kaya na buong pilipinas ang sakop….hahay…laki cguro donation ni pnoy sa cmbahan….naalala ko tuloy ang libro ni rizal tungkol sa mga pari…..

    Godbless philippines..sana maubos ang mga bias

  5. Yankee and mga Paris waling Silbi mga satanic ata ang mga pari na gusto continue Ang mga masamang eleminto waaaaaahhh yan dahilan dating ng ibang relihiyon mabuti PA ipagdasal mo nalang na lahat ginawa ng ating pangulo at success OK baby father???

  6. sa totoo lang father..anu na po bang mga hakbang na nagawa niyo na nakatulong mabawasan ang problema sa drugs?

    -wala diba

    -puro kau reklamo pero kau mismo wala naman ginagawa kundi humarap sa media at mag dada ng reklamo niyo na parang ang laki laki ng naiambag niyo sa pinas

LEAVE A REPLY