Birth Control Isusulong ni Duterte kahit Makabangga ang Simbahan

0
289

Handa si incoming President Rodrigo Duterte na makalaban ang Simbahang Katoliko para lang maisulong ang birth control dito sa bansa.

photo from huffingtonpost.com

Ayon kay Duterte, lalo lamang naghihirap ang isang pamilyang maraming anak, kaya naman inulit niya ang kaniyang mungkahi sa mga Pilipino na limitahan ang dami ng mga supling sa tatlo lamang. Nagbiro pa si Duterte na puputulin ang ari ng mga lalaking pasaway.

Nabanggit pa ni Duterte na sa Davao city, inalok nila ng cash rewards ang mga nais sumailalim sa libreng pagpapatali, pati na sa mga doktor na magsasagawa ng operasyon. Giit niya, ire-reinstall niya ang family planning program at handa siyang banggain ang simbahan dahil hindi na ito makatotohanan. (Radyo Inquirer)

(c) bollyviralfeeds

 

Comments

comments

LEAVE A REPLY