Bagong grupong ‘Laban ng Masa’, nangakong lalabanan ang ‘pasismo’ ng administrasyong Duterte

Bagong grupong ‘Laban ng Masa’, nangakong lalabanan ang ‘pasismo’ ng administrasyong Duterte

0
820

MAYNILA, Pilipinas – Isang bagong tatag na grupo ang nangakong lalabanan ang diumano’y pasismo sa kasalukuyang administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ang grupong ‘Laban ng Masa’ ay itinatag ni dating Akbayan Re. Walden Bello na siyang gumaganap bilang National Chairman ng bagong opposition coalition.

Sa kanyang talumpati sa ginanap na First National Assembly sa Bahay ng Alumni, UP Diliman, nitong Linggo, Oktubre 29, sinabi ni Bello na bagama’t iba ang kondisyon noong taong 2005 at 2006 sa kondisyon ngayon, hawak pa rin nila ang parehong pananaw – “bilang mga progresibong nagnanais palitan ang isang rehimeng sosyal na nagkokondena ng milyung-milyon ng ating mga kapwa Pilipino sa kahirapan, sa ‘di-pagkapantay-pantay, at sa kawalan ng kapangyarihan.”

Binatikos din ni Bello ang ‘war of drugs’ ni Pangulong Duterte sa gitna ng alegasyon na umabot na sa mahigit 13,000 katao ang napatay sa loob lamang ng mahigit 1 taon.

“President Duterte is what I call a fascist. But he is a fascist original. The usual textbook model of how fascism comes about is that of “creeping fascism,” like that of Marcos, where the first phase is marked by violations of political and civil rights, followed by the grab for absolute power, then by massive, indiscriminate repression,” ani Bello.

Mapanganib na yugto

Ayon pa sa dating mambabatas, ang bansa ay nasa gitna ng ‘mapanganib’ na yugto, sapagkat patuloy na bumaba ang popularidad at kredibilidad ng kasalukuyang administrasyon.

Kailangan na rin umano ang isang tunay at ‘credible ‘ na oposisyon sa ‘authoritarian rule’ ng kasalukuyang gobyerno, na siyang dahilan kung bakit nila itinatag ang ‘Laban ng Masa’.

Subalit higit dito ay ang kanilang alok na pagbabago sa sistema – isang pagbabago na tumatahak sa direksiyon ng sosyalismo.

“When we say we are socialist, we do not mean we champion the centralized bureaucratic systems that collapsed in Russia and Eastern Europe in 1989,” giit pa ni Bello. “Socialism for us means a system of genuine, participatory democracy dedicated to transforming the economic order in order to eliminate inequality among social groups.”

Ganunpaman, aminado rin si Bello na walang garantiya na sila ay magtatagumpay sa kanilang layunin.

“Ngunit hindi tayo magtatagumpay kung hindi tayo magbubuhos nang todo-todo ng ating pawis at, kung kailangan, ating dugo upang maging tunay ang ating mga pangarap,” pagtatapos nito.

Source :Facebook, ABS-CBN News, Rappler, Manila Times

Comments

comments

LEAVE A REPLY